𝐆𝐂𝐚𝐬𝐡 𝐚𝐭 𝐍𝐁𝐈, 𝐥𝐚𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐧𝐢𝐛-𝐩𝐰𝐞𝐫𝐬𝐚 𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐨𝐧𝐥𝐢𝐧𝐞 𝐬𝐜𝐚𝐦𝐦𝐞𝐫𝐬
𝐆𝐂𝐚𝐬𝐡 𝐚𝐭 𝐍𝐁𝐈, 𝐥𝐚𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐧𝐢𝐛-𝐩𝐰𝐞𝐫𝐬𝐚 𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐨𝐧𝐥𝐢𝐧𝐞 𝐬𝐜𝐚𝐦𝐦𝐞𝐫𝐬
Pumirma kamakailang ang National Bureau of Investigation at ang nangungunang e-wallet sa bansa para palakasin ang laban kontra sa mga online scams
Sa ilallim ng kanilang misyon na maghatid ng ligtas na digital financial services sa mga Pilipino, ang National Bureau of Investigation (NBI) at GCash, ang nangungunang finance super app sa bansa, ay pumirma kamakailan ng memorandum of agreement para mas palakasin ang kampanya laban sa mga scammers at mapigilan ang paglaganap ng scams online tulad ng phishing, text scams, love scams, at investment scams.
Sa ilalim ng Memorandum of agreement (MOA), patuloy na makikipagtulungan ang GCash sa NBI upang matukoy at mahuli ang mga scammers na ginagamit ang e-wallet para sa kanilang modus. Layon din ng kasunduan na siguruhing ligtas ang pera ng mga users sa kanilang account pati na rin ang kanilang pribadong data sa app.
Kabilang sa mga pumirma ng MOA ay ang ilang opisyales ng NBI na si director Atty. Medardo G. De Lemos, NBI officer-in-charge (OIC) of the Office of the Deputy Director for Operations Jose Justo Yap, G-Xchange, Inc. chief executive officer Oscar Enrico Reyes Jr., at GCash Group head of New Businesses and Corporate Affairs, Winsley Royce Bangit.
“Ngayon na mas dumarami ang mga Pilipinong gumagamit ng digital space para sa kanilang pang araw-araw na transaksyon, importanteng umaksyon agad ang mga sangay ng gobyerno para mas maprotektahan ang mga kababayan natin laban sa mga scammers. Kabilang na rito ang pagsanib-pwersa sa mga e-wallet tulad ng GCash upang mas mapatibay pa ang mga inilulunsad na cybersecurity measures. Ang partnership na ito ay daan upang tuluyang nang matuldukan ang online scams at maparusahan ang mga tao sa likod nito,” pahayag ni De Lemos.
Bukod pa rito, patuloy din ang pakikipagsanib-pwersa ng GCash sa Philippine National Police-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG), Anti-Money Laundering Council (AMLC), at iba pang law enforcement agencies para patuloy ang pagkakaroon ng up-to-date security technologies, at mas mahigpit na security measures sa pamamagitan ng threat and intelligence sharing. Kabilang dito ang paghahatid ng pinakamataas at istriktong anti-money laundering standard, counter-terrorism financing, at fraud measures. Gayundin, pinapaalalahanan din ng GCash ang mga Pilipino na mas maging mapanuri sa paggamit ng kanilang e-wallet account para hindi mabiktima ng mga scam.
“Base sa datos, nakita natin na tumataas ang bilang ng mga nabiktima ng online scams sa bansa. Kaya naman napaka-importanteng tuluy-tuloy ang pakikitulungan sa mga awtoridad para mas lalong maprotektahan ang milyon-milyong Pilipino. Patuloy na makikipagsanib-pwersa ang GCash sa gobyerno at mga awtoridad hanggang sa tuluyang mapigil ang paglaganap ng scams at para maparusahan ang mga mapagsamantalang cybercriminals sa bansa,” ayon kay Reyes.
Bilang pinakamalaking digital ecosystem sa bansa at lider ng ligtas at sustanaible finance, pinagtitibay ng GCash ang misyon nitong “Finance for all” na layong bigyan nang maayos, mabilis, at ligtas na digital financial products at services ang mga Pilipino na siyang daan upang mas mapaunlad ang bansa.
Maaaring i-download ang GCash nang libre sa Google Play at the App Store.
Para sa iba pang impormasyon, bisitahin lamang ang www.gcash.com.ph
******************************************
𝐀𝐛𝐨𝐮𝐭 𝐆𝐂𝐚𝐬𝐡
GCash is the Philippines’ #1 Finance Super App. Through the GCash App, users can easily purchase prepaid airtime; pay bills via partner billers nationwide; send and receive money anywhere in the Philippines, even to other bank accounts; purchase from over 6 million partner merchants and social sellers; and get access to savings, credit, loans, insurance and invest money, and so much more, all at the convenience of their smartphones. GCash’s mobile wallet operations are handled by G-Xchange, Inc. (GXI), a wholly-owned subsidiary of Mynt, the first and only duacorn in the Philippines which is a part of the country's leading digital solutions platform, Globe Group.
GCash is a staunch supporter of the United Nations Sustainable Development Goals (SDGs), particularly UN SDGs 5,8,10, and 13, which focus on safety & security, financial inclusion, diversity, equity, and inclusion as well as taking urgent action to combat climate change and its impacts, respectively.
Please LIKE/FOLLOW Cebu Happenings on Facebook.
#Globe #GlobeSIM #Gnation #GlobeGroup #GlobeOne #GlobeTelecom #GlobeBroadband #GlobeMobile #Globe5G #GlobeNetwork #Gcash #GoROAM #NBI #Ayanventures #CebuHappenings #IJPphotoStories #ManilaHappenings #MindanaoHappenings #TeamHappenings #PRworks


Comments
Post a Comment